Suspek sa pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa Cebu, hawak na ng NBI

Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa tatlong suspek sa pagpatay sa 16-anyos na estudyante sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay NBI Deputy Director for Operations Services Atty. Antonio Pagatpat, kasong murder ang isinampa laban sa 17-anyos na suspek na dating kasintahan ng biktimang si Christine Lee Silawan.

Aniya, ang suspek ang huling nakasama ng biktima noong gabi bago ito natagpuang patay base na rin sa kuha ng CCTV.


Nakita rin aniya sa cellphone nito ang usapan nila ng biktima na sila ay magkikita.

Paglilinaw naman ni Central Visayas Police Director Chief Superintendent Demold Sinas, hindi si Jonas Bueno ang pumatay kay Silawan.

Aniya, naging personal of interest lang si Bueno dahil pareho ang paraan ng pagpatay sa magsasaka at kay Silawan.

Facebook Comments