Suspek sa pamamaril sa construction worker, sumuko ng mapayapa sa Pasay PNP

Pasay City – Mapayapang sumuko sa Pasay PNP ang suspek sa pamamaril sa construction worker na si Romeo Manacio noong Sabado sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Eddie Algar, 31-anyos at construction worker din sa nasabing lungsod.

Naaresto si algar ng Pasay city PCP-5 sa kanilang follow up operation kay Algar na naging suspek sa pamamaril matapos itong makunan ng CCTV.


Pag-amin ng suspek, ginawa niya ang krimen dahil sa awa nito sa biyenan.

Nagkaroon kasi ng relasyon ang biktima at ang kinakasama ng biyenan pero ayon sa suspek, hindi niya kasabwat sa krimen ang biyenan.

Sa ngayon ay hawak na ng awtoridad si Algar at haharap sa kasong murder na nai-file na kahapon sa korte.

Facebook Comments