SUSPEK SA PANGGAGAHASA AT PAGPATAY SA APAT NA TAONG GULANG NA BATA SA BAYAN NG BAYAMBANG, NAGBIGTI

Nagbigti ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang apat na taong gulang na babae sa bayan ng Bayambang.
Ang nasabing suspek ay nakitang nakabitin sa window grill ng banyo ng kanilang selda pasado alas-otso kagabi gamit ang pinulupot na tuwalya.
Isinugod pa ito sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival na ito.

Ayon sa mga kasama nitong nakapiit sa Bayambang, balisa at nagsisisi ito sa kanyang nagawa sa bata.
Matatandaan na noong December 22 nang matagpuan ang apat na taong gulang na biktima na patay sa isang maisan at hinihinalang ginahasa muna bago pinatay. |ifmnews
Facebook Comments