Suspended Governor Edgardo Tallado ng Camarines Norte, Posible ng Makabalik sa Posisyon

Maaaring makabalik na sa kapitolyo ng Camarines Norte si suspended Governor Edgardo Egay Tallado. Ito ay matapos paboran ng Court of Appeals ang petition for review ni Tallado kaugnay ng ipinalabas na dismissal order ng Ombudsman kaugnay ng kasong grave misconduct and abuse of authority na inihain ni Provincial Veterinarian Edgardo Gonzales kaugnay ng secong re-assumption ni Tallado noong July 2016 habang dinidinig ng Court of Appeals ang kaso.
Ayon sa court of Appeals, hindi grave misconduct ang ginawa ni Tallado nang gawin niya ang second reassumption; bagkus, ito ay isang simple misconduct lamang na may penaltry na 1 month and 1 day hanggang 6 months na na-comply na ng gubernador noong boluntaryo itong bumaba sa pwesto noong March 14, 2018.
Kaugnay ng desisyon na ito ng korte, inaasahan na anumang araw mula ngayon ay makakabalik na sa kapitolyo probinsiyal si Tallado.
Ayon kay Sherwin Mata, tagapagsalita ni Tallado tanging hinihintay na lang ng kampo ni Tallado ang implementation order ng DILG na pirmado ni Secretary Eduardo AÑo.
” Pahayag pa ni Mata. Inaasahan ng kampo ni Tallado na ito na ang huli tungkol sa kasong ito dahil hindi na umano maaari pang kwestiyunin sa Korte Suprema ninuman ang desisyon ng Court of Appeals. Nagkaroon ng ‘interruption’ sa huling termino bilang gobernador ni Tallado, kaya pwede muli umano itong tumakbo sa parehong pwesto sa loob ng panibagong tatlong termino
. “Ang maganda nito, yung disadvantage ni gov, naging advantage, because of the interruption, eligible to run pa siya for 3 terms, that is 9 years. Siya pa rin an gaming kandidato dito sa probinsiya bilang governor.” Bago ang inaabangan na pagbabalik-kapitolyo ni Tallado, papangunahan muna nito ang proclamation rally ng mga kapartido niya sa ika-5 ng Oktubre, limang araw bago ang filing of certificate of candidacy mula Oktubre 11-17, 2018 para sa 2018 Midterm elections.

Facebook Comments