Suspendidong BuCor Chief Bantag, walang katiyakan na sisipot sa preliminary investigation hinggil sa Percy Lapid slay case kahit na hawak ng kaniyang abogado ang subpoena

Hindi pa sigurado ang paglantad ni suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag sa Department of Justice (DOJ) kahit na hawak na ng kampo nito ang subpoena hinggil sa pagkamatay ng mamamahayag na si Percy Lapid at sa middleman na si Jun Villamor.

Personal na nagtungo ang abogado ni Bantag na si Atty. Rocky Tomas Balisong sa DOJ para kunin ang kopya ng subpoena nito.

Ayon kay Atty. Balisong, handang-handa ang kliyente niya na harapin ang mga alegasyon sa kanya ngunit pag-aaralan muna ng kampo nito kung dapat bang dumalo si Bantag sa preliminary investigation ng DOJ sa Nobyembre 23 at Disyembre 1.


Base sa dokumento, mayroong sampung araw para maghain ng tugon o counter-affidavit si Bantag.

Matatandaang una nang sinabi ni Bantag na hindi siya lalantad hangga’t nasa puwesto si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.

Facebook Comments