Manila, Philippines – Suportado ni Committee on Public Services Vice Chairman Senator JV Ejercito ang suspension na ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa Uber.
Ayon kay Ejercito, hindi dapat mabalewala ang mga umiiral na rules o patakaran sa pagbibigay daan sa bagong teknolohiya na nagkakaloob ng mas ligtas at komportableng transportasyon sa publiko.
Nilinaw ni Ejercito na hindi niya kinakampihan ang LTFRB.
Gayunpaman, naniniwala ang Senador na may nilabag ang Uber sa kompromisong naiselyo sa pagitan ng LTFRB at Transportation Network Companies o TNC.
Punto ni Ejercito, Uber lang na may violation ang suspendio pero ang iba pang TNC tulad ng Grab ay patuloy naman ang operasyon.
Samantala, 10:30 ngayong umaga nakatakda ang ipinatawag na pulong ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe na naglalayong maplantsa ang isyung hatid ng pagsuspinde sa operasyon ng Uber.
Kabilang sa mga haharap sa pulong ay sina LTFRB Chair Martin Delgra, Board Member Aileen Lizada darating naman mula sa panig naman ng Uber mga opisyal nito na sina, Regional General Manager Mike Brown, Regional Regulatory Lead Ben Brooks, PH General Manager Laurence Cua, PH Government Relations and Public Policy Head Yves Gonzalez.