Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na maghanap ng leader tulad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng pagkagalit sa patuloy na korapsyon sa gobyerno.
Sa kanyang talumpati sa 121st Anniversary ng Philippine Navy sa Sangley Point sa Cavite City, sinabi ng Pangulo na hindi niya mapupuksa ang korapsyon kahit manungkulan pa siya sa loob ng 20 taon sa ilalim ng 1987 Constitution.
Dagdag pa ng Pangulo, hindi maabot ng Pilipinas ang kaunlaran maski kalahati ng mayroon ang Hong Kong sa susunod na 30 taon pagdating sa economic progress.
Matatandaang kaalyado ni Pangulong Duterte ang mga Marcos at tagahanga ng late strongman.
Facebook Comments