May-ari ng F/B Gem-Ver 1, humihingi ng tulong kay PRRD

Umaapela ng tulong ang may ari ng bangkang pinalubog ng Chinese vessel sa Recto Bank kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Arlinda Dela Torre – aabot na sa dalawang milyong piso ang ikinalugi niya matapos masira ang kanyang bangkang F/B Gem-Ver 1 na pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan.

Iginiit naman ng kusinero ng bangka na si Richard Blaza na hindi pinansin ng Chinese vessel ang kanilang signal na humihingi sila ng tulong matapos silang banggain.


Ang mga kasamahan niya ay lumipat sa mga maliliit na bangka at naglayag papalapit sa Chinese vessel para humingi ng tulong.

Pero nadismaya sila sa pag-dedma sa kanila ng barko ng Tsina.

Sina Blaza at Dela Torre ay ipinatawag ni Agriculture Secretary Manny Piñol para malaman ang kanilang kwento.

Facebook Comments