Magpupulong sa susunod na linggo ang mga alkalde sa Metro Manila para pag-usapan ang susunod na quarantine classification sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, hihinggin ng mga alkalde ang opinyon ng mga eksperto para sa irerekomendang quarantine status kasunod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR na magtatapos sa August 20.
Sa ngayon, nakatutok aniya ang mga Local Government Units (LGUs) sa vaccination at mapababa ang COVID-19 cases sa Metro Manila.
Tiniyak naman ni Olivarez na malapit ng maabot sa Metro Manila ang target na 250,000 na mabakunahan kada araw matapos maitala ang 221,000 jabs noong August 12.
Facebook Comments