SUV, Tinumbok ang Sinusundang Motorsiklo!

47

Sta. Maria, Isabela- Sugatan ang dalawang lalaki matapos aksidenteng
mabangga ng isang SUV ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy.
Poblacion 2, Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Jeson Cirineo, 30 anyos, may-asawa at
Nestor Guiyab, 24 anyos at mga pawang resident e ng Brgy. Mozzozzin, Sta.
Maria samantalang kinilala naman ang suspek at drayber ng SUV na si Arvin
Dumendeng, 42 anyos, may-asawa at residente naman ng Brgy. Poblacion 2, sa
nasabing bayan.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News Team, lumalabas sa
imbestigasyon ng pulisya na parehong binabaybay umano ng magkasunod na
motorsiklo at SUV ang timog na bahagi ng National Highway sa naturang
Barangay ng biglang mag overtake si Dumendeng at nahagip ang sinusundang
motorsiklo.

Samantala, pareho namang tumilapon ang drayber ng motorsiklo na si Cirineo
at ang kanyang angkas na si Guiyab na dahilan upang magtamo ng pinsala sa
iba’t-ibang bagagi ng kanilang katawan.

Agad naman umanong isinugod sa Elvin Masigan Municipal Hospital ang dalawa
ngunit inilipat din agad sa CVMV para sa karampatang lunas.

Dinala naman ang suspek sa kustodiya ng PNP Sta. Maria para sa kaukulang
dokumentasyon at disposisyon.

PNP Sta. Maria Valley Cops, RMN Cauayan, DWKD 98.5.

Facebook Comments