Swamp fever, umatake sa Baguio City; 27 kabayo, nasawi

Tinatayang aabot sa 27 kabayo ang namatay sa Baguio City dahil sa Equine Infectious Anemia (EIA) o swamp fever mula Marso hanggang Abril ngayong taon.

Ayon sa Baguio City Veterinary Office, unang nadiskubre ang virus sa Baguio City kung saan sa kabuuang 58 na kabayong nagpasuri ay 21 dito ang positibo sa swamp fever.

Inamin naman ni Dr. Brigitte Piok, Veterinarian ng Baguio na hindi malulunasan ang sakit dahil pinapahina nito ang katawan ng kabayo hanggang sa magdugo at mamaga ang paa at dibdib nito.


Habang madali rin aniyang makahawa ang virus dahil sa pamamagitan ng horse flies ito kumakalat.

Sa ngayon, nagpalabas na ang lokal na pamahalaan ng isang kautusan na inaatasan ang mga residente na isailalim sa mandatory isolation ang lahat ng mga kabayong maysakit sa lugar.

Facebook Comments