Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Energy ang posibleng pagbaba ng presyo ng gasolina sa darating na linggo.
Sa kanilang abiso, inaasahan ng DOE rollback sa halaga ng gasolina mula sampu hanggang bente singko sentimos kada litro sa regular, unleaded at premium gasoline.
Kasabay ng rollback ng gasolina ang pagtaas naman ng presyo ng diesel.
Magtataas ang halaga nito mula singko hanggang kinse sentimos kada litro.
Ibinase ng DOE ang assessment nito sa presyo ng gasolina at diesel sa galaw ng international market.
Sa ngayon naglalaro mula P31.65 hanggang P36.80 ang presyo kada litro ng diesel habang nasa P42.75 hanggang P52.65 kada litro naman ang gasolina.
Facebook Comments