Asahan na ang taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin ngayong buwan ng Pebrero.
Nakaambang kasing tumaas ng P1.25 ang presyo ng ilang brand ng sardinas.
Tataas naman ng P3.75 ang presyo ng condensed milk habang P2.25 naman ang itataas ng evaporated milk.
Paliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI), ang taas-presyo ay bunsod ng tumaas na halaga ng raw material at packaging sa world market.
Samantala, sa ikalimang sunod na linggo, muling magkakaroon ng taas-presyo sa produktong petrolyo epektibo bukas, Pebrero 1.
Magtataas ang ilang kompanya ng langis ng P0.75 sa kada litro ng gasolina; P0.75 sa kada litro ng diesel at P0.45 sa kada litro ng kerosene.
Ipapatupad ng Caltex ang taas-presyo mamayang alas-12:01 ng hatinggabi habang ang Shell, Seaoil at Petro Gazz naman ay bukas ng alas-6:00 ng umaga at ang Cleanfuel ay alas-4:01 ng hapon.