Ang Probinsyano Partylist, may bagong kinatawan sa Kamara

Nanumpa na sa plenaryo ng Kamara si Cong. Edward delos Santos bilang bagong kinatawan ng Alyansa ng mga Mamamayang Probinsyano (ANG PROBINSYANO) Partylist sa Kamara.

Ginawa ang oath-taking ni Delos Santos sa harap ni Speaker Lord Allan Velasco.

Sinamahan naman ni Ang Probinsyano Partylist (1st nominee) Rep. Alfred delos Santos ang bagong kinatawan sa rostrum habang ito ay nanunumpa.


Si Delos Santos na siyang 3rd nominee ng Ang Probinsyano Partylist noong 2019 election ang pumalit sa 2nd nominee ng Partylist sa Mababang Kapulungan na si dating Cong. Ronnie Ong na lumipat naman na ng ibang Partylist group na AP Partylist para sa 2022 election.

Dahil dito, napagpasyahan ng liderato ng Kamara na alisin na sa “roll of members” si Ong.

Facebook Comments