“Resbakuna sa Botika”, aarangkada na rin sa tatlong lungsod sa Visayas region

Aarangkada na rin sa mga susunod na araw ang “Resbakuna sa Botika” sa tatlong lungsod sa Visayas region.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, inaasahang ilulunsad na rin ito ng pamahalaan sa mga piling kilinika at botika ng lungsod ng Bacolod, Cebu, at Iloilo sa mga susunod na araw.

Nauna nang sinimulan ang vaccination program sa Baguio City kung saan ito ang kauna-unahang lungsod sa labas ng Metro Manila na nag-roll out ng bakunahan sa mga botika.


Matatandaang sinimulan ang “Resbakuna sa Botika” program sa pitong botika sa Metro Manila upang pabilisin ang bakunahan sa gitna ng kakulangan sa mga health workers dahil sa COVID-19 surge.

Facebook Comments