Menor de edad, patay sa pamamaril sa Rodriguez, Rizal

80

Patay ang isang menor de edad sa nangyaring pamamaril sa Rodriguez, Rizal.

 

Kinilala ang nasawing biktima na si Joshua Navia, 14-anyos habang sugatan ang kapwa niya construction worker na si Lloyd Santiago, 24-anyos.

 

Sa inisyal na ulat, nagtatrabaho ang mga biktima nang lapitan sila ng mga hindi kilalang suspek sabay bunot ng baril at pinaputukan sila.

 

Mabilis namang tumakas ang suspek.

 

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments