*Cauayan City, Isabela- *Matagumpay na nagsagawa ng pagsasanay kahapon ang pamunuan ng Tactical Operations Group 2, PAF sa mahigit kumulang 50 na mga mag-aaral ng Pinoma National High School, Cauayan City, Isabela katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Sa personal na pagtutok ng 98.5 RMN Cauayan, layunin ng programa na mabigyan ng kaalaman at maturuan ang mga mag-aaral sa paghahanda sa mga hindi inaasahang sakuna o kalamidad sa ating Lalawigan.
Ayon kay Lt Col Randy Buena, Commanding Officer ng TOG 2, PAF, mahalaga na mabigyan ng pagsasanay sa Basic Rescue and Recovery Operations ang mga mag-aaral dahil madalas anya na tinatamaan ng bagyo ang Lalawigan ng Isabela.
Dapat anya na magkaisa at magtulungan ang bawat isa sa anumang problema o hindi inaasahang pangyayari.
Bukod dito, mayroon din silang isinasagawang proyekto na Organic Farming sa Brgy. Nagrumbuan upang makatulong sa mga magsasaka dito sa Lungsod ng Cauayan.
Samantala, handa umanong tumutulong ang TOG2 sa pagsasagawa ng Cloud Seeding sa mga lugar na apektado ng El Niño.