Cauayan City, Isabela- Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Tactical Operations Group 2 o (TOG2) katuwang ang mga barangay officials ng San Fermin, Supreme Student Council Society ng ISU Cauayan at ilang miyembro ng Green Ladies upang isagawa ang isang clean-up drive ngayong araw.
Ito ay bilang pagsuporta sa Todas Dengue, Todo Na To (Ika-Siyam na Kagat), ang nasabing clean-up drive ay pinangunahan ni Purok leader Danilo Hestura.
Nilinis ng mga residente ang kahabaan ng Airport Road at mga lugar na posibleng pamugaran ng mga lamok.
Ayon kay Technical Sergeant Cyril Mendoza ng TOG2, patuloy ang pakikiisa nila sa clean-up drive hindi lang San Fermin kundi sa iba pang barangay ng Cauayan City.
Namahagi din sila ng mga basurahan na gawa sa empty fuel containers. Dagdag pa niya, nakatakda din silang makiisa sa Brigada Eskwela ngayon taon at isasagawa ang isang Campus peace and development forum sa mga paaralan.
TAGS; CLEAN-UP DRIVE, Todas Dengue, Todo Na To
Facebook Comments