Kaso ng severe at critical na COVID patients, nananatiling mababa

68

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nananatiling mababa ang kaso ng severe at critical na COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, bagamat tumataas ngayon ang kaso ng infection, karamihan aniya sa mga kaso ay mild, asymptomatic, o moderate.

Sa kabila nito, inihayag ni Vergeire na dapat pa ring maging maingat ang publiko at magpa-booster shot na.


Iginiit ng DOH na ang mga bagong subvariants ng Omicron ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bukod dito, ay lumuwag din aniya ang mga tao sa pagsunod sa health protocols.

Facebook Comments