Taga Cotabato City, 3rd Placer sa 2017 Mechanical Engineer Board Exam

Muling namayagpag ang isang taga Cotabato City matapos maging 3rd Placer sa katatapos lamang na September 2017 Mechanical Engineer Board Exam.

Itoy sa katauhan ni Nelbert Iligan Sumalpong ng Sesame Street, DeMazenod Area. na nakakuha ng 90.10 percentage rate at pumangatlo sa higit limang libong examinees.
Lubos namang pinasalamatan ni Sumalpong ang kanyang mga guro sa Notre Dame Village High School, Notre Dame University na naging mentor nito, mga kaibigan, mga magulang na sumuporta sa kanyang pag aaral at higit sa lahat ang dakilang lumikha sa pagabay nito sa kanya.
Ipinagmalaki naman ngayon ng City Government ang panibagong karangalang ibinigay ni Sumalpong sa syudad. Noong nakaraang taon naging Top 1 rin sa Board Exam ng Mechanical Engineer ang isa pa ring taga Cotabato City at NDU na si Engr. Elso Elumbaring Jr. (DENNIS ARCON)

Ikaw anu ang masasabi mo sa karangalan ng isang taga Cotabato City at NDU?


Facebook Comments