Gamu,Isabela- Pinangunahan ng dalawang criminology graduates ang 305 na mga bagong nagtapos sa Candidate Soldier Course Class 508-509,2017.
Sa isinagawang graduation ceremony sa Camp Melchor F. Dela Cruz na dinaluhan mismo ng mga magulang at kamag anak ng mga nagtapos,tinanggap nina Private Roberto Balinon ng Alfonso Lista,Ifugao at Private Jasper Jay Tacang ng Lamut,Ifugao ang mga parangal at pagkilala sa kanilang husay at galing sa larangan pagiging sundalo.
Sa talumpati ni Major General Perfecto Rimando Jr. Commander 5th Infantry Division kanyang hinikayat ang mga bagong sundalo na isaisip at laging alalahanin ang mga natutunan sa training,at isabuhay ang mga ito,hinimok din ng naturang opisyal ang mahigit tatlong daan mga bagong sundalo na laging isaisip at respetuhin ang mga karapatan pantao upang mapanatuli ang mataas na pagtingin at respeto ng mga mamamayan sa mga kasundaluhan.
Si balinon ay nakakuha ng gradong 90.01% samantalang si Tacang ay nagkamit ng gradong 89.33% sa parehong academic at non academic requirement sa kanilang kurso.
Karamihan sa mga nagtapos ay mula aa lalawigan ng Isabela,Kalinga, at Cagayan kung saan 41 ang college graduate, Walo sa mga ito ang may eligibilities,98 ang college level at 166 ang high school graduates.
Ayon naman kay Army Captain Jefferson Somera ang pagiging sundalo ang hindi lamang sa mga matitikas na mga lalaki at babae kundi bukas narin ito sa myembro ng LGBT sa lipunan.