Taguig City, may 35 bagong kaso ng COVID-19

Muling nakapagtala ng 35 bagong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) ang lungsod ng Taguig kahapon, July 16, 2020.

Dahil dito, umabot na sa 1,663 ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Batay sa kanilang datos, ang mga bagong kaso ay mula sa barangay ng Western Bicutan na mayroong 15 kaso at sumunod ang North Daang Hari na mayroong 13.


May dalawang bagong kaso naman sa Brgy. Pinagsama.

Ang Barangay New Lower Bicutan, Palingon-Tipas, Tuktukan, Wawa, at Fort Bonifacio ay May tig-isang bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Nasa 23 na ang nasawi sa lungsod dulot ng virus, habang nasa 610 naman recoveries sa lungsod.

Facebook Comments