Taguig City, may naitalang 41 bagong kaso ng COVID-19

Muling nakapagtala ang lungsod ng Taguig ng 41 bagong kaso ng COVID-19.

Ito ay batay sa tala ng Local Health Department ng lungsod kaninang umaga.

Ang mga bagong pasyente ng COVID-19 sa Taguig City ay mula sa Bambang, Hagonoy, Ibayo Tipas, Ligid Tipas, Lower Bicutan, Napindan at New Lower Bicutan.


[COURTESY] FACEBOOK.COM – I LOVE TAGUIG
Meron din sa Barangay North Daang Hari, Palingon, South Daang Hari, South Signal, Sta Ana at Tuktukan.

Dahil dito, muling umakyat sa 851 ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa Taguig City.

Mula sa nasabing bilang, 22 rito ay nasawi at 145 naman ang recoveries sa lungsod.

Simula January 27 hanggang kahapon, June 39, 2020, meron nang nasa 3,753 ang suspected cases sa lungsod.

Panawagan naman ng lokal na gobyerno ng Taguig sa mga residente nito na manatili lamang sa loob ng bahay upang maging ligtas.

Patuloy din na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang COVID-19 cases sa lungsod.

Facebook Comments