Taguig City, muling nakapagtala ng mahigit 100 bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw

Kinumpirma ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit na nakapagtala ito ng karagdagang 121 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Ang Barangay Lower Bicutan ay ang barangay sa lungsod ng Taguig na may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon na umabot ng 19.

Sinundan ito ng Barangay Pinagsama na 16; Brgy. Ligid-Tipas -15; South Daang Hari -13; San Miguel -11; at Barangay Tuktukan -10.


May mga bagong kaso rin ng COVID-19 kahapon, siyam sa Barangay South Signal; walo sa Brangay Sta. Ana at tig-apat sa Barangay Central Bicutan at Hagonoy.

Ang Barangay Napindan at Maharlika ay may tig-tatlong bagong kaso rin ng infected ng virus at dalawa sa Brgy. Upper Bicutan.

Habang ang Barangay ng Ibayo-Tipas, Palingon-Tipas, Fort Bonifacio at Katuparan ang may pinaka-kaunting naitala kahapon sa lungsod na apektado ng COVID-19, kung saan mayroon lang itong tig-isang kaso.

Dahil dito, muling umakyat sa 2,833 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod.

39 rito ay mga nasawi at 2,468 ang recoveries.

Ito na ang ikalawang araw ngayong linggo na umaabot sa mahigit 100 ang naitatalang nagpopositibo ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments