Taguig City, nakapagtala ng 159 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19

Umakyat na sa 3,156 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig ngayong araw.

Ito’y matapos makapagtala ang Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit ng 159 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay New Lower Bicutan, 22; Ususan, 15; at Central Bicutan at Western Bicutan na May tig-13.


Mayroong 12 sa Barangay Central Signal, 11 sa Barangay South Daang Hari, 9 sa
Bagumbayan, 8 sa South Signal, 7 sa Lower Bicutan at tig 6 sa Brgy. Upper Bicutan at Sta. Ana.

Lima sa North Signal; tig tatlo sa Bambang, Ibayo-Tipas, Ligid-Tipas, Palingon-Tipas, Fort Bonifacio, Katuparan at Pinagsama

Habang dalawang bagong kaso ng COVID-19 sa mga Barangay ng Calzada-Tipas, Tuktukan at Tanyag.

Tig isang kaso sa Brgy. Hagonoy, Napindan, San Miguel, Maharlika at North Daang Hari.

Nananatili pa rin sa 39 ang naiulat na nasawi at umabot na sa 2,706 ang bilang ng recoveries sa lungsod.

Umabot naman sa 411 ang active COVID-19 cases ng lungsod ngayong araw.

Facebook Comments