Taguig LGU, umaapela na sa DOH kaugnay ng shortage sa bakuna kontra pertussis

Nababahala na ang Taguig local government unit (LGU) sa harap ng kakapusan sa bakuna kontra pertussis o whooping cough.

Ayon sa Taguig City Government, nalalagay sa panganib ang buhay ng mga bata dahil sa shortage sa bakuna.

Kaugnay nito, umapela na ang Taguig LGU sa Department of Health (DOH) na tugunan na ang naturang public health issue.


Anila, nababagalan sila sa kakulangan ng DOH ng urgency sa pagbili at distribusyon ng bakuna lalo na ang kontra pertussis, na isang highly contagious respiratory disease.

Facebook Comments