Nadagdagan na naman ng pito ang bilang ng kaso nga Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa Taguig City.
Batay sa pinakabagong tala ng City Health Office o CHO ng nasabing lungsod, kahapon ng alas-8:00 ng gabi, pumalo na sa 78 ang bilang ng pasyente na apektado ng virus.
Ang mga bagong pasyente na nag positibo sa virus ay mula sa mga Barangay ng Ligid, Pinagsama, Western Bicutan, Ibayo, Calzada at Fort Bonifacio.
Tiniyak naman Taguig City government na mapo-protektahan nito ang komunidad laban sa COVID-19.
Kaya patuloy ang pagikot ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga kaso sa lungsod.
Kasama na dito ang mga 228 na Persons Under Monitoring (PUMs) at Persons Under Investigation (PUIs) na nasa 151.
Nanatili naman sa apat na bilang ang nasawi sa Lungsod ng dahil sa virus at dalawa pa lang ang gumagaling.