Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na naging matagumpay ang kanilang kampanya kontra iligal na droga sa Manila.
Ang pahayag ni Margarejo ay ginawa matapos na maaresto ng PDEA kamakailan ang apat na kalalakihan na nahulihan ng ilegal na droga sa magkahilay na lugar sa Lungsod.
Paliwanag ni Margarejo kaya naaresto ang apat na kalalakihan na gumagamit ng ilegal na droga ay dahil nagsumbong ang mga residente sa lugar sa illegal na transaksyon ng mga suspek kayat agad na inaksyunan ng mga otoridad ang reklamo ng taongbayan.
Aminado si Margarejo na hindi nila kayang malalansag ang iligal na droga sa Lungsod kung wala ang partisipasyon ng publiko na napakalaking papel umano sa kampanya ni pangulong Duterte sa War on drugs upang mabawasan kung hindi man tuluyang masugpo ang lahat ng gumagamit ng iligal ng droga.