TAGUMPAY | Year 5 ng Broadkaster ka na, Life Saver ka pa ng KBP Pangasinan matagumpay!

Hindi lamang pagiging bayani sa pagtatanggol ng ating bansa ang kayang ipinamalas ng mga kasundaluhan kundi pati na rin sa pagtulong sa pamamagitan ng pagdodonate ng dugo.

Katuwang ang Philippine Red Cross (PRC) matagumpay na isinagawa sa ikalimang taon ang Blood Donation Activity na inorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Pangasinan Chapter na may temang “Brodkaster ka na, Life saver ka pa”, kauganay na rin nasabing programa ang pagtalakay sa basic first aid response kasama ang PRC.

Sa unang mga oras ng donation drive, maraming mga miyembro ng Mechanized Infantry Batallion, Philippine Navy, Philippine Army at mga brodkaster ang dumalo para makilahok sa nasabing programa. Kabilang ang sundalong si Corporal Jake Bulfa, isang miyembro ng 1ST Mechanized Infantry Battalion sa mga dumalo . “Sa amin kailangan talaga mahalaga yan lalo sa amin kasi once meron namang di inaasahang nagkaroon ng meeting engagement siyempre may nasusugatan kailangan din naming bigyan ng dugo yung nangangailangan,” ani nito. Sa kabila ng pagbabantay ng bayan, nagbigay oras ang mga ito para sa blood-letting donation.


Sa pamamagitan ng pagdodonate, maraming mga buhay ang maaaring maligtas at mabigyan muli ng pagkakataon para mabuhay. “Mahalaga siya kasi maraming tao ngayon ang nangangailangan ng dugo, so hindi lang mga nagdadialysis, may sakit sa dugo ganun, yung mga nakulangan ng dugo, so mga marami pang nangangailangan,” saad ni George Liquiran Safety Instructor ng Philippine Red Cross.

Sa pagtatapos ng nasabing programa, nakakolekta ang Philippine Red Cross 43 unit bags ng mga dugo.

Ulat ni Crystal Aquino

Facebook Comments