Tahanan sa RH 3 sa Cotabato City, nasunog

Tinatayang nasa 600K ang halaga ng mga ari-arian ang naabo sa nangyaring sunog sa Nayon Shariff , RH 3 sa Cotabato City mag- aalas dose kaninang tanghali.
Sa panayam kay FO2 Aldrin Narra, spokesperson ng BFP Cotabato, pagmamay ari ng isang Bods Bansuan ang bahay na nasunog.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa maaring dahilan ng insidente. Wala aniyang tao sa bahay ng mangyari ang sunog dagdag pa ni FO2 Narra.
Patuloy naman ang apela ng BFP sa publiko na mag-iingat para makaiwas sa sunog.

Facebook Comments