Manila, Philippines – Kinumpirma ng Taiwan Representative Office sa Manila na may mga kinakaharap na kaso sa Taiwan ang labing-apat sa labing-pitong Taiwanese na naaresto sa drug operation sa Boracay ,Aklan.
Kabilang sa mga kasong kinakaharap sa Taiwan ng mga dayuhang suspek ay murder, drug running, robbery, forgery at obstruction of official duties.
Ang mga suspek ay nag-kunwaring nagbabakasyon lamang sa Boracay subalit natunugan ng mga otoridad ang kanilang transaksyon.
Tatlo rin sa kanila ay may mga kinasasangkutang mga kaso sa Pilipinas.
Sila ay may mga apelyidong Su, trenta anyos; Sun, trenta y nuwebe anyos at Wang, bente nuwebe anyos.
Apat sa mga Taiwanese suspects ay inirekomendang magpiyansa ng 200-thousand pesos para sa kanilang pansamantalang kalayaan.