TAKOT PA RIN | Vhong Navarro, aminadong hindi pa rin panatag ang kalooban para sa kanyang seguridad

Manila, Philippines – Aminado ang aktor na si Vhong Navarro na hindi pa rin panatag ang kanyang kalooban at natatakot sa kanyang seguridad.

Ito ay kahit na naglabas na ng desisyon ng Metropolitan Trial Court ng Taguig sa Grave Coercion Case, kung saan guilty ang hatol kina Cedric Lee at mga co-accused na sina Deniece Cornejo at Jed Fernandez.

Ayon kay Vhong, bagaman at masaya siya sa hatol mas mapapanatag aniya ang kanyang kalooban kapag nasa loob na ng kulungan ang mga gumawa sa kanya ng pananakot at pananakit.


Gayunman, inamin nito na nagbalik sa kanyang alaala ang pinaggagawa sa kanya noong 2014 gaya aniya ng pananakit, pananakot, pagbabanta sa kanyang pamilya, kasama na ang pagtutok sa kanya ng baril at pagpirma sa isang bagay na hindi naman niya kagustuhan.

Bukod sa grave coercion, may dalawa pang kaso ang nakasampa laban sa kampo ni Lee.

Umaasa si Navarro na magiging paborable sa kanya ang desisyon sa nasabing dalawang kaso.

Facebook Comments