Talamak na online scams, binanatan ni Senator Bong Revilla Jr.

Sa budget hearing ay kinuwestyon ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. ang kakayahan ng Philippine National Police (PNP) na tugunan ang cybercrimes na lumalala sa huling anim na buwan dahil sa dami ng nakababad online bunga ng COVID-19 pandemic.

Nakakabahala para kay Revilla ang patuloy na pagdami ng mga insidente ng hacking, online falsities, online violence, online scams at identity theft o pagnanakaw ng bogus seller sa identity ng ibang tao para makapanloko.

Bilang tugon ay sinabi ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan na patuloy ang pag-aksyon at pagsisikap ng PNP anti-cybercrime units para labanan ang cybercrimes.


Ayon kay Cascolan, simula July 2019 hanggang July 2020 ay nakapagsagawa na sila ng 214 operasyon na nagresulta sa pag-aresto sa 252 indibidual at pagligtas sa pitong menor de edad.

Inamin din ni Cascolan na maging ang PNP ay inaatake din ng mga hackers.

Facebook Comments