MANILA – Aminado ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting na latamak pa rin ang vote buying at vote selling.Kasunod na rin ito ng lumabas sa latest survey ng Pulse Asia na 39 percent sa 1,800 respondents ang naniniwalang magkakaroon ng dayaan sa May 9, 2016 elections kung saan ang vote buying at vote selling ang namamayagpag na uri ng pandaraya.Sa interview ng RMN kay PPCRV Chairperson Henrietta De Villa, bagama’t automated na ang sistema ng pagboto, patuloy na namamayagpag ang pagbebente at pagbili ng boto tuwing halalan na lubha nilag ikinakalungkot.Bunsod nito, tuloy – tuloy ang kanilang kampanya, katuwang ang Commission on Elections upang ipakita at ipaliwanag sa publiko ang sistema ng Vote Counting Machine.Una nang tinututulan ng PPCRV ang pag-iisyu ng resibo ng VMC dahil sa posibleng magamit ito sa vote buying at vote selling.(DZXL 558 – Michelle Bermejo-Abila)
Talamak Na Vote-Buying At Vote Selling, Kinondena Ng Parish Pastoral Council For Responsible V..Kampanya Sa Malinis At T
Facebook Comments