Talent Contest, Inilunsad ng Dep-ed Tuguegarao

Tuguegarao City, Cagayan – Inilunsad ng Department of Education Division of Tuguegarao City ang buwanang patimpalak para sa mga talentadong bata.

Katuwang ang SM Center Tuguegarao Downtown ay isinagawa ang kauna unahang pakontes noong Pebrero 19, 2018 sa event’s center ng naturang establisyemento.

Ang tema ng monthly Festival of Talents ay “Artistry at its Best by Harmonizing Talents: Maximizing Skills”.


Ang buwanang patimpalak ay nakalaan para sa mga elementarya at high school na nasa pribado at pampublikong paaralan. Kabilang din dito ang mga nasa Alternative Learning System (ALS).

Gagawin ang patimpalak kada unang Biernes ng buwan at dito maipapakita ang mga kakayahan ng mga bata sa larangan artes at technical-vocational field.

Sa unang edisyon ng buwanang aktibidad ay ginanap ang Vocal Duet Competition, Cocktail Mixing and Flair tending, Dish Gardening, Vocal Duet and Hataw Sayaw Hip-Hop Dance Craze.

Pinangunahan nina Rona Jane Guiang at Harvey Valencia ng Cagayan National High School-Senior High ang Cocktail Mixing and Flair Tending contest.

Si Eunice Jhaezelle Pelagio ng Tuguegarao East Central School (TECS) ang nanalo sa kantahan para sa Elementary Vocal Solo.

Nakopo naman ni Dominique Brandes ng Cataggaman National High School ang Vocal Solo-Secondary level.

Sa larangan ng Vocal Duet Competition ay nanalo ang mga estudyante ng Tuguegarao North Central School na sina Sofia Camayang at Ashly Cordoba.

Sina Mark Joshua Liban at Stephanie Mina ng CNHS naman ang nanalo para sa Vocal Duet Secondary Level.

Para sa Dish Gardening Contest Elementary Level, nakuha ng Annafunan Elementary School ang unang puwesto samantalang ang Cataggaman National High School ang nanalo sa secondary level.

Ang Cagayan National High School (CNHS) naman ang nanalo sa ‘Hataw Sayaw’ Hiphop Dance Contest kung saan ay dito itinampok ng mga senior high school students ng CNHS ang kanilag talento at kagalingan.

Ayon kay Schools Division Office (SDO) Superintendent Dr Denizon Domingo, ang mga buwanang nanalo ay maglalaban-laban para sa overall championship sa December 2018.

Maging panimula lamang umano ito sa mga gagawin pang mga aktibidad ng Dep-ed Tuguegarao na magiging katuwang nang SM Center Tuguegarao Downtown.





Facebook Comments