Talipapa ng Distrito Dos na may HomeMade Delicacies, Patok sa Panlasang Pinoy

*Cauayan City, Isabela*- Pormal nang pinasinayaan ang kabubukas na Talipapa sa Barangay District 2 sa Lungsod ng Cauayan na layong matulungan ang mga kababaihan sa dagdag na pagkakakitaan.

Ayon kay Punong Barangay Miko Del Mendo, ito ang kauna-unahang proyekto ng kanilang barangay para sa taong 2020 partikular ang ilang ipinagmamalaking homemade delicacies ng mga Green Ladies Organization.

Sinabi pa ni Kapitan Del Mendo, mahigit sa dalawandaang (200) kababaihan ang nagtulong-tulong sa pagbuo ng nasabing proyekto na higit na babalikat para sa kanilang dagdag pangkabuhayan na tutulong naman sa kani-kanilang mga pamilya.


Ilan naman sa ipinagmamalaking gawa ng kababaihan sa Talipapa na matatagpuan sa mismong harap ng barangay ay ang daing na bangus, Leche Flan, Empanada at iba pa.

Hinihikayat naman ni Kapitan Del Mendo ang publiko na tikman ang putaheng tiyak na papatok sa inyong panlasang pinoy.

Facebook Comments