Talk N’ Text, 2-0 na best of five semifinals ng PBA Commissioners Cup

101

Manila, Philippines – Panalo muli ang Talk N’ Text Katropa kontra Barangay Ginebra sa kanilang game 2 ng best of five series ng PBA Commissioners Cup semifinals sa score na 107-103.

Nangunguna ang Ginebra sa tatlong quarter ng laro pero nahabol ito ng katropa sa fourth quarter sa pamamagitan ng mga tatlong puntos na ibinigay ng Katropa Fil-Australian forward na si Tony Semerad.


Ayon kay TNT coach na si Nash Racela – gusto niyang makapagbigay ng mga puntos ang mga lokal na manlalaro dahil noong game 1 ay nagbigay ng malaking puntos ang import na si Josh Smith.

Aniya, malaki ang naging tulong ni Semerad para manalo sila sa laro.

Mayroon nang 2-0 kargada ang TNT habang wala pa ring panalo ang Ginebra.
DZXL558

Facebook Comments