“Talk to the Nation” address ni Pangulong Duterte, iniurong sa October 14

126

Muling magbibigay ng talumpati sa taumbayan si Pangulong Rodrigo Duterte bukas, October 14.

Ito ay matapos i-urong ang weekly “Talk to the Nation” address nito na kadalasang inilalabas tuwing Lunes ng gabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi kayang makapagbigay ng speech ng Pangulo dahil sa mahabang agenda na tinalakay sa kanyang Full Cabinet Meeting kagabi.

Tinalakay ang mga hakbang na muling magpapa-angat ng ekonomiya at matugunan ang problema sa mass transportation.

Itinakda ng Pangulo ang Cabinet Meeting matapos ihayag sa kanya ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na tumataas ang hunger incidence at malnourishment sa bansa.

Facebook Comments