Iniurong ngayong umaga ang dapat sanang part 2 ng “Talk to the Nation” ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ipapalabas ito mamayang alas-9 ng umaga.
Inaasahang ipapaliwanag nang husto ng pangulo sa taumbayan ang mga isyung kinakaharap ng bansa gayundin ang pagbibigay ng update sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
Matatandaang nitong Miyerkules umere ang unang Talk to the People ng Pangulo kung saan inatasan nito ang mga cabinet official na ipagbigay alam muna sa kanya ang pagdalo sa senate hearing.
Ilan sa mga inaasahang tatalakayin ng pangulo ay ang; paglaban ng bansa sa COVID-19, pagsailalim ng Metro Manila sa Alert Level system at pagpapatupad ng granular lockdown, lagay ng pagbabakuna, isyu sa umano’y overpriced na PPE at iba pa.