TALO | Ateneo, talo kontra South Korea sa 2018 William Jones Cup

Taiwan – Hindi nakaporma ang Ateneo Blue Eagles sa South Korea sa kanilang naging laro sa 2018 William Jones Cup na ginaganap ngayon sa Taiwan.

Natalo ang Ateneo sa score na 90-73 kung saan nanguna sa South Korea ang dating import ng Magnolia na si Ricardo Ratliffe na mayroong 15-points.

Kumamada naman sina Thirdy Ravena ng 14-points habang 12-points ang nai-ambag ni Matt Nieto pero hindi ito naging sapat para manalo sila sa laban.


Sa ngayon, may 1-1 win loss record na ang Ateneo at sunod nilang makakaharap mamayang alas-3:00 ng hapon ang basketball team ng Canada.

Facebook Comments