PBA | San Miguel Beermen, panalo kontra Alaska Aces sa game 2

Manila, Philippines – Abante na sa 2-0 ang San Miguel Beermen kontra Alaska Aces sa kanilang best-of-five semifinals series sa PBA Commissioner’s Cup.

Tinalo ng Beermen ang Aces sa score na 105-94 kung saan bumida sa panalo si Renaldo Balkman na may 31-points at 10-rebounds.

21-points naman ang nakuha ni June Mar Fajardo habang 16-points ang kay Chris Ross.


Mapapanood naman mamayang alas-7:00 ng gabi sa The Big dome ang game 2 ng semifinals series sa pagitan ng Rain or Shine Elasto Painters at Barangay Ginebra na abante sa serye 1-0.

Facebook Comments