Yassi Presco Nag Palamig Sa CHRISTMAS VILLAGE

Baguio, Philippines – Paparating na naman ang ka paskuhan at tiyak maraming pasyalan ang mag bubukas sa siyudad ng Baguio. Kaya naman, dito sa Baguio Country Club matatagpuan ang isa sa pinaka kilalang pasyalan tuwing sasapit na ang pasko at tinatawag nila itong Christmas Village . Ngayong 2017, ika siyam na taon na nilang nagbibigay liwanag at saya sa mga turista.

Ang tema para sa taon na ito ay isang Christmas Galaxy na kung saan masisilayan ang mga istruktura at desenyo ng Space Ship. Maliban dito maramai pang aktibidad ang magaganap, pagsapit ng 6:30 ng gabi sisimulan ang “Nativity” o ang pag sasadula sa kapanganakan ng Jesus Christ. Matapos manuod ng pagsasadula , maaaring lumibot at kumuha ng mga litrato habang may snowfall at dancing light show .Para naman sa mga batang may edad 4 “apat” hanggang 12 “labing dalawa” puwedeng puwede silang mag sulat sa Wishing List ng kanilang mga kahilingan at isasabit sa Christmas Wall. Kung napagod naman sa paglilibot mayroong mga bench sa gilid at mga Candy stores na nag titinda ng mga pagkain.

Tiyak sulit ang babayarang entance fee dahil sa mga masasaksihan sa loob ng Christmas Village. Ang entrance fee para sa may edad 13 pataas ay 120.00 .Para sa mga batang may edad 4 – 12 ay 50.00 . Ang mga senior citizen ay 85.00 at libre naman sa mga batang may edad 3 pababa , mga miyembro ng Baguio Country Club at PWD “Person with disabilities” .


Ang Christmas Village ay nag bukas noong Oktubre 27 , 2017 at magsasara naman sa Enero 7 , 2017 .
Mga best friend , kulang pa ba sa kulay at liwanag ang iyong buhay ? Pasyal na sa Christmas Village !














Facebook Comments