TAMA LANG | Paglagay sa NFA sa ilalim ng DA secretary, pinuri ni Sen. Recto

Manila, Philippines – Para kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, tama ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim kay Agriculture Secretary Manny PiƱol ang pamamahala sa National Food Authority o NFA.

Ayon kay Recto, mahalaga na iisa lamang ang nagpapatakbo sa NFA at sa mga programa ng gobyerno para makamit ang ating food security.

Ipinaliwanag ni Recto na ang pagkakaroon dati ng higit sa isang tumututok sa suplay ng bigas ay nagresulta sa magkakasalungat na polisiya at hindi nagkakatugmang mga aksyon.


Umaasa si Recto na ang hakbang ng Pangulo ay magbubunga ng mas malinaw na polisiya at programa na tutugon sa problema sa bigas na hinaharap ngayon ng mamamayan.

Facebook Comments