Nagbabala ang Ecowaste Coalition sa negatibong epekto kapag napabayaan ang campaign materials
Hanggang sa ngayon kasi ay sandamakmak ang mga naiwan na campaign materials sa kada kanto, poste, paaralan at iba pang mga lugar.
Ayon kay Aileen Lucero, pinuno ng Ecowaste Coalition may negatibong epekto ito sa napakaraming tao kapag napabayaan.
Iginiit naman ni Lucero na may paraan para ito ay maiwasan at sa halip ay magkakaroon pa ito ng pakinabang kapag na-recycle.
Mamaya ay magsasagawa ng pulong balitaan ang Ecowaste Coalition kasama ang mga Ms. Philippines Earth beauties at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) representative para ipakita ang mga produkto na magagawa sa campaign materials.
Nag-utos na rin sa Quezon City Mayor Joy Belmonte na linisin ang mga kalat kasunod ng eleksyon 2022.