Tandang inireklamo sa korte dahil sa pagiging maingay

Image from Reuters

Oleron, France –  inaabangan ngayon ng mga tao ang magiging hatol sa tandang na si Maurice matapos ireklamo ng isang retiradong mag-asawa dahil sa pagiging maingay.

Ayon kay Vincent Huberdeau, abogado ng mag-asawang nagreklamo, sa siyudad nakatira ang kaniyang mga kliyente at hindi sa probinsiya.

Paliwanag pa niya, hindi dapat ito umikot sa isyu ng city vs. countryside sapagkat naninirahan ang dalawa sa kabahayan at lugar na may 7,000 residente.


Dumipensa naman ni Corrine Fesseau, may-ari ng manok, sa hukuman kaugnay sa pag-aalaga niya sa nasabing hayop.

Giit niya, wala namang nagrereklamo sa pagiging maingay ng alagang si Maurice, bukod sa matandang mag-asawa.

Dahil sa isinampang reklamo kay Maurice, pinagtatalunan ngayon hanggang sa social media hinggil sa pagtira ng mga taga-lunsod sa kanayunan.

Samantala, kumakalat sa internet ang “Save Maurice” petition na pinirmahan ng mahigit 100,000 na indibidwal.

Sa oras na maglabas ng desisyon ang hukom, bibigyan ng 15 araw na palugid si Fesseau kung ililipat si Maurice sa ibang lugar, patatahimikin ito, o magbabayad sa multang ipapataw.

Facebook Comments