Tandang Sora flyover isasara simula sa Feb. 23

Quezon City – Simula sa February 2, permanente nang isasara ang Tandang Sora flyover sa Quezon City para bigyang-daan ang pagtatayo ng MRT-7.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, titibagin ang flyover para maitayo ang linya ng tren.

Isasara rin ang intersection ng Tandang Sora at Commonwealth Avenue habang umaarangkada ang konstruksyon ng MRT-7.


Para mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko, maglalagay ang MMDA ng u-turn slot sa tapat ng Microtel at ng Home Depot sa Commonwealth Avenue.

Ang konstruksyon ng nasabing u-turn slot ay posibleng tumagal ng dalawang taon.

Dahil dito umapela ang MMDA sa publiko ng pang-unawa dahil ang lanes sa ibaba ng flyover mula Fairview papuntang Quezon Memorial Circle ang mananatili lang na bukas.

Facebook Comments