TANGGAP NA? | Reaksyon ng aktres na si Nathalie Hart sa pagbubuntis

Manila, Philippines — Aminado ang sexy actress na si Nathalie Hart na napaiyak siya ng malaman na apat na buwan na siyang buntis.
Ayon kay Nathalie, hindi pa raw kasi siya handang magbuntis dahil marmai pa raw siyang nais gawin partikular ang mga upcoming projects bilang isang artista.
Bagama’t nakatakda naman siyang ikasal sa boyfriend na mula sa New Delhi, India, nais daw sana niya na magbuntis matapos ang seremoniya.
Magkaganun pa man, itinuturing pa rin ni Nathalie na blessing ang ipinagbubuntis at kailangan na daw niyang tanggapin ito at alagaan.

Facebook Comments