Tanggapan ng Securities and Exchange Commission sa Pasay City, pansamantalang isinara

Sarado ngayong araw hanggang bukas, June 30, 2020, ang main office ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Secretariat Building, PICC Complex, Roxas Blvd., Pasay City.

Ito’y matapos magpositibo sa rapid test para sa COVID-19 ang dalawang empleyado at dalawang outsourced personnel.

Kaugnay nito, magsasagawa ng disinfection ang pamunuan ng SEC bilang bahagi ng precautionary measures.


Ang mga nasabing tauhan ay walang travel history, wala rin nakasalamuhang COVID-19 patients at walang sintomas kung saan March 13, 2020 pa sila nagsimulang mag-work from home.

Nabatid na bago bumalik sa opisina ay isinailalim muna sa rapid test ang mga empleyado nitong June 24, 2020 at June 25, 2020 kaya nalaman na positibo ang apat na kasalukuyang naka-home quarantine at nakatakdang sumailalim sa confirmatory test.

Facebook Comments