Katayan at bentahan ng karne ng aso sinalakay ng PNP-CIDG sa Cabanatuan City

Cabanatuan City – Sinalakay ng mga tauhan ng PNP-CIDG kasama ang mga taga Animal Kingdom Foundation ang isang barong-barong na ginagawang katayan at bentahan ng karne ng aso sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kahapon.

Sa ulat ng PNP-CIDG rumesponde sila sa reklamo na mayroong illegal slaughter house sa Barangay Barrera, Cabanatuan City kaya nang makumpirma ay ikinasa ang operasyon.

Sa operasyon naaresto ang mag-asawang sina Danilo at Susana Gallardo na sinasabing nag-o-operate ng illegal slaughter house at nagdi-deliver rin ng mga hilaw na karne ng aso at mga lutong ulam sa mga kapitbahay.


Ayon naman kay Atty. Heidi Caguiao, program director ng Animal Kingdom Foundation inireklamo na nila sa piskalya ang mag-asawa dahil sa paglabag sa Animal Welfare Act o Republic Act 8485.

Sa pagsalakay na-rescue ang pitong buhay na aso.

Facebook Comments