Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines, itinangging pantapat sa Tindig Pilipinas

Manila, Philippines – Tahasang itinanggi ng Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines na pantapat sa Tindig Pilipinas ang kanilang koalisyon.

Ayon kay DPWH Spox Atty. Karen Jimeno na isa rin sa mga tagapagsalita ng koalisyon wala silang dapat tapatan dahil layunin ng kanilang grupo ang pagkakaisa at suportahan ang gobyerno sa mga proyekto at reporma nito para sa taumbayan.

Paliwanag ni Jimeno na maging ang mga myembro ng Tindig Pilipinas ay welcome sa kanilang samahan dahil wala silang pinipili.


Ang Tindig Pilipinas ay isang cause-oriented group na nananawagan sa gobyerno na respetuhin ang karapatang pantao at rule of law.

Iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte sa launching ng koalisyon na walang puwang ang pagkakawatak-watak.

Iisang lahi lamang aniya tayo, mga Filipino at dapat ituon ang atensyon at pagtulong lalong lalo na sa pagbangon ng Marawi City.

Facebook Comments